Tuesday, January 20, 2009

LSS

Tantananant-tananant-tananananan-tanan-tananant-tanananananan-tantantantantantannn- George Winston's Canon in D

Ewan ko, hanggang ngayon siguro may hang-over pa rin ako nung last time ko syang nakita. Sabi nila, makakarinig ka daw ng bells na nagri-ring o music na patuloy na magp-play sa tenga mo once na makita mo na yung taong magpapatibok ng puso mo. Kumbaga parang theme song sa isang pelikula na automatic na isasalang pag romantic na yung scene? Sa sitwasyon ko. Wala akong narinig na ganun. Madalang din kasi akong maglinis ng tenga. Para sakin kasi, bawat salitang naririnig ko sa kanya eh parang nota ng piano na nagbibigay musika sa araw ko. Madalas pa nga nae-LSS pa ako e. Napapakanta ako kahit walang lyrics.

Ang akala ko dati ayos na ako sa sitwasyon ko. Patingin-tingin. Yung tipong wala akong karapatang mag-selos. Stay-foot lang kumbaga. Mahirap pala yung ganun. Minsan, kahit kaya ng isip mo. May pagkakataon pa rin na bumibigay naman yung puso. Mabigat sa pag-hinga.

I never wished for someone who would offer me the moon and the stars, just someone to lay down with and watch them is enough

Pambabae yang quote na nakita ko. Gusto ko sanang i-revise na maging panlalaki kaso dinudugo yung utak ko eh. Simple lang pero maganda. Sapat na para kiligin yung makakabasa. Masarap din palang malaman na hinahanap ka rin nung taong mahal mo. Yung tipong nami-miss ka din pala nya? Ang akala ko kasi ako lang yung naghahanap lagi. Parang nagta-trampoline yung puso ko nung mga panahong iyon. Ang masama lang parang na-overdose na ata ako. Hanggang ngayon kasi naghahanap pa rin ako ng eraser para lang mabura yung ngiti sa mga labi ko..

0 Comments: