Tuesday, January 20, 2009

Pink Flower

If i have to choose between loving you, and breathing. I would use my last breath to say I love you.

Madalas, ang isang relationship ay nagsisimula sa ligawan. Ang problema nga lang sa isang ligawan. Madalas may naliligaw.

Di ako marunong manligaw. Sakit ko na ata to simula pa nung nalaman ko sa sarili ko na babae pala ang gusto ko. Akala ko kasi nung bata pa ako, walang gender gender. Depende sa isusuot mo yung kasarian mo. Eh madalas akong pagsuotin ng panty ng nanay ko dati. Nagpapahulugan kasi sya ng mga damit pambabae nung bata pa ako. Madalas ko rin na kalaro nung bata ako eh mga babaeng kapitbahay namin. Sa ngayon pag nakikita ko nga sila napapaluwa na yung mga mata ko.

Torpe daw ako sabi nung babaeng dapat liligawan ko nung 1st sem, 1st year. Parang wala lang sakin nung sinabi nya yun. Di ko naman alam meaning nun e. Akala ko pa nga compliment. Naaalala ko pa nga nung nagtangka akong manligaw sa crush ko nung 4th year high. Halos naubos yung buong lunch break namin bago ako makapagsalita sa harap nya at sabihin yung dapat kong sabihin. Ayun sa bandang huli, nauwi sa panghihiram ng notebook yung usapan akala nya kasi nagjo-joke lang ako. Nauutal ako. Napipipi. Parang may epilepsy yung dila ko na kusang nagwawala sa tuwing kakausapin ko yung crush ko. Kaya ang madalas na nangyayari. Di ko nasasabi yung gusto kong sabihin. Sira yung dialogue na matagal kong napraktis sa harap ng salamin sa cr.

Bakit nga ba nauso pa yung ligawan? Di ko nga rin alam kung sino yung nagpauso ng salitang yan. Masyado bang malinaw ang direksyon nila kaya kelangan pang man-ligaw? Nagsisimula ba ang pag-usbong ng damdamin pag sinabi nung lalaki na "Pwede bang manligaw?" Minsan mas maganda pa nga yung walang ligawan na nangyari. Yung bigla na lang na bumulong yung puso nila na "mahal kita at mahalaga ka sakin." Ang importante naman sa isang relationship eh pareho nyong alam sa isa't isa yung tunay nyong nararamdaman. Di rin mahalaga yung date kung kelan kayo naging kayo. Ang mahalaga, kayo pa rin hanggang ngayon. At alam nyong bukas ay magiging kayo pa rin. Di ba?

"Kung bola ka at basketball player ako, matatanggal ako sa varsity team namin. Lagi kasi kitang nami-miss"

Masarap yung pakiramdam ng kasama mo yung taong mahal mo. Yung tipong kahit nagkakitaan naman kayo nung nakaraang linggo eh excited ka pa ring makita sya sa araw na toh. Iba yung pakiramdam, di tulad ng kasama mo yung kina-starstruckan mong tao. Pag kasama ko yung kina-starstruckan ko, pakiramdam ko high ako. Lagi akong overdose sa ka-gandahan nya. Minsan naman nabibitin lalo na kung di ko sya nakasama ng matagal o makausap man lang. Pag yung taong mahal mo yung kasama mo, parang every moment sakto lang. Sapat na para kumpletuhin yung araw mo. Kahit di ka na nagtanghalian at hapunan, pakiramdam mo naka-limang sachet ka ng extra joss. Yung paglukso ng dugo na hindi sobra, hindi rin kulang. Hanggang ngayon nga hirap pa rin akong i-describe. Ang mahalaga, nararamdaman ko pa rin sya hanggang bago ako matulog at sa palagay ko may hang-over pa rin ako pag-gising ko..

0 Comments: