Tuesday, January 20, 2009

3 word phrase

"English phrase. 3 words. Nagsisimula sa buntung hininga.."

Minsan nagkakwentuhan kami magkakaibigan. "Bakit kaya ang hirap sabihin ng salitang I LOVE YOU lalo na dun sa mga mahahalagang tao sa buhay mo?" Nagtalo pa nga kaming lahat at nahati kami sa dalawang grupo. Sa panig ng lalaki, lahat kami kontra. Yung mga babae naman pakiramdam ko kinikilig lang talaga kaya gustong nakakarinig ng salitang yon. Dahil sa ayoko din namang magpatalo humirit ako, "ang korni naman kasi." Bakit mo pa sasabihin kung pwede mo namang iparamdam? Nanay ko nga di ko nasasabihan ng I LOVE YOU kahit minsan eh. Tawanan na lang kami pagkatapos..

Sometimes, may mga pagkakataon na kahit gaano mo iparamdam sa isang tao yung gusto mong iparamdam, di pa rin nila yun mai-interpret o kaya naman inaantay nilang marinig pa rin yung phrase na yun. Kelangan mo rin pala talagang sabihin sa kanila yun para mas maging convincing. Para makita ba yung sincerity. Action speaks louder than words. Yan lagi yung motto na sinasabi ko. Kaso, at the same time nagiging excuse ko na rin pala sya. Madaling magsabi ng mahal kita, i love you, 143, alam nyo, atbp. pagdating sa chat at pagsulat. Parang nabo-boost kasi yung confidence pagdating sa ganun. Kumbaga may multiplier. Kaya siguro nauso yung love letters nung panahon ng lolo ko. Sa sitwasyon ko, maraming bigas pa ata akong kelangang kainin para makaipon courage na yun at masabi yun nang harapan. Bilib ako dun sa mga taong may lakas ng loob para maglabas ng boses sa kanilang vocal chords para sabihin yung mga salitang yun.

Nung nasa High School pa ako, madalas kong mapagkamalang love yung simpleng infatuation. Nare-realize ko lang yun pagkatapos kong mapagisip-isip na na-cutan lang pala ako sa kanya dahil ang cute ng kanyang smile at ang sexy ng katawan nya. Never akong nabigyan ng payo ni tatay tungkol sa panliligaw. Never din naman kasi akong humingi ng payo, kaya ayun natapos ang pagiging HS ng wala akong napasukang romantic relationship. Nahihiya din kasi ako kay tatay, pakiramdam ko kasi pagt-tripan lang ako nun o kaya naman iisipin lang na baka manghingi ako ng dagdag allowance pan-date.

Mahilig ako sa mga love story na movie. Lalo na yung may mga cute na koreana. Hanggang ngayon nga may hang-over pa rin ako nung napanood ko kagabi. Kaya nga siguro napasulat ako ng tungkol sa love ngayon. Iba talaga yung pakiramdam. Blank. Always unpredictable. Yung pag tipong wala sya sa tabi mo, parang kumakarambola lahat ng thoughts na nasa isipan mo. Andaming tanong. Talo pa ang entrance exam sa college. Sya ang peace of mind mo. Gusto mong malaman yung iniisip nya. Kapag may problema sya, gusto mong tulungan syang i-resolve yun. Mas gusto mong lagi syang masaya. Kaso, dumating na pala ako sa point na parang sobra na. Nakalimutan kong may sariling buhay din pala ako. At may sariling buhay din pala sya. May sari-sarili kaming problema na kelangang maresolba mag-isa. Mga personal na bagay ba? Sa ngayon sana maresolba ko na rin yung sarili kong problema..

Sa wakas nasabi ko din ng may boses yung 3 word phrase na gusto kong sabihin. Dala ata yun ng adrenaline rush. Sa mga huling sandali nun wala pa rin ako sa ulirat ko. Mas mabuti na rin siguro yun kaysa wala. Pero sa totoo lang, pagkatagal tagal kong pinraktis yun. Nasa byahe pa lang ako nagiisip na ako kung tagalog ba o english. Gusto ko pa nga sanang french kaso di ko naman alam kung ano un sa french. Gusto ko nga rin sana na may fireworks at confetti. Sana dumating yung moment na buong lakas ko nang masasabi yun. Hindi yung pagkakataon na dala ng adrenaline rush o biglang buga na lang pagkatapos magmumog. Sana mabasa mo to. At kahit nakasulat lang to ipapangako ko sayo na darating din yung pagkakataon na masasabi ko sayo na I LOVE YOU.

0 Comments: