Ang pag-ibig parang paginom lang ng kape yan eh..
hahawakan mo ng tama lang ang tasa, yung tipong hindi masyadong mahigpit at hindi rin masyadong magaan kasi baka mabitawan. tapos dahan dahan mong iinumin. di pedeng agad agad kasi baka mapaso yung dila mo. kaso di mo din pedeng iwan lang at hintaying lumamig dahil baka mawalan na din ng lasa..
nakainom ka ng kape noh?
hehe, hindi naman..
ayoko ng kape!
bakit naman?
nakakaadik yun eh
pwede ka namang maghinay-hinay lang sa pag-inom diba?
kahit na, pag nagustuhan mo na yung pag-inom, maya't maya di mo na mapipigil yung sarili mo na magtimpla..
bakit na-adik ka na ba dati sa kape?
...
do you know that coffee has more antioxidants than green tea? antioxidants can help prevent aging..
anak ng tokwa! ano ka commercial?
haha, tara coffee shop na nga lang tayo
ayoko nga ng kape!!!
libre ko
TARA!!
Saturday, May 9, 2009
Antioxidants
Posted by Cof E. Bean at 7:17 AM 0 comments
Labels: Onions
Friday, May 1, 2009
Hug and Buzz
Pano kung ALIEN ako na galing sa ibang planeta tas wala akong ibang emotion.. paano mo sakin ide-define yung love?
uhmm.. sasabihin ko sayo, "niong niong niong"
anak ng tokwa!
haha, bakit ikaw pano ba?
hmm, yayakapin kita..
Posted by Cof E. Bean at 9:53 AM 0 comments
Labels: Onions
Stay
nawawala flash disk ko!!
hindi mo kasi iniingatan
hindi naman, mahalaga nga yun sakin eh..
kung mahalaga yun sayo, sana hindi mo hinayaang mawala
may pagkakataon lang talaga na kahit gaano kahalaga sayo yung isang bagay darating yung time na mawawala pa rin yun sayo..
hindi rin, kung mahalaga talaga sayo yun, iingatan mo yun at hindi mo hahayaang mawala sya sa tabi mo.
minsan, mas pinipili ng isang tao na umalis hindi dahil sa gusto lang nila. alam kasi nila na kung mag-stay pa sila, lalo lang magiging komplikado yung sitwasyon. hindi naman kasi yun ganun kadali lalo na kung di yun naiintindahan ng mga tao sa paligid mo lalo na yung taong iiwan mo.
sino ba naman kasi nagsabi sayo na umalis ka? bakit di mo subukang mag-stay na lang muna. baka masyado ka lang maraming iniisip kaya ka nagkakaganyan.
“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”- Bob Ong
kung pakakawalan mo agad yung bagay na yun, parang sinabi mo na din na magpapaiwan ka na agad sa kasiyahan mo. ayos lang kahit mag-stay ako. ang mahalaga sakin, nakapiling ko yung kasiyahan na yun kahit sa maiksing panahon na binigay sakin.
tanong, siya ba masaya sa piling mo? mag-stay ka pa rin ba kahit na pinaparamdam nya sayo na umalis ka na? kung alam mong iiwan ka din pala nung kasiyahan na yun, bakit patatagalin mo pa? lalo mo lang pahihirapan yung sarili mo na mag-let go pag nataon.
pano mo naman nasabi na hindi sya masaya sa piling ko? ang mahalaga sakin ngayon eh mag-stay lang ako sa tabi nya. gusto ko syang bantayan para kahit pano malaman nya na mahalaga sya sakin, poprotektahan ko sya at di ko kayang mawala sya..
hmm..
...
nasan na ba kasi yung flash disk ko?!!
aba ewan ko sayo!
hmm, ang alam ko nasa computer mo lang yun eh..
waa! eh puro virus yun ah!!
hehe..
anak ka ng tokwa!
Posted by Cof E. Bean at 9:28 AM 0 comments
Labels: Onions
3 Wheels
bike!
oh anong meron sa bike?
uhm..
ang love parang pagba-bike, sa simula gusto mong matuto.. para maranasan mo kung ano yung sayang dala nito sa tuwing sasakay ka. kahit masaktan ka minsan o kahit madalas pa yan, di ka titigil hanggang di mo nakukuha yung tamang paraan para magbike..
kaso.. minsan, pag may nakita kang na mas higit sa bike, kinakalimutan mo yung paghihirap na naranasan mo para lang matuto ka.. parang biglang wala na lang? parang ganun..
uhm, di naman ibig sabihin na tinatabi mo yung bike eh kinakalimutan mo yun diba?
uhm..
pwede ding inaalagaan mo kasi yun, ayaw mong masira yun kakagamit mo.. o kaya naman naghahanap ka ng mas magandang kalsada para mas maenjoy mo yung pagsakay..
eh pano mo maaapreciate yun kung di mo naman sasakyan? kung matibay yang bike mo, kahit saang kalsada mo yan ilagay, di yan masisira!
kahit na, mas maganda pa rin kung aalagaan ko..
oo na, sabihin na nating inaalagaan mo. kaso darating pa rin yung pagkakataon na kahit sa magandang daan mo pa yan i-pedal, may mga lubak ka pa rin na madadaanan.
magiingat ako! di ako magpepedal ng masyadong mabilis. ayokong dumating sa point na maaksidente ako. pag dumating yun, di lang yung bike yung masisira.. masasaktan din ako
kahit magingat ka, di mo pa rin maiiwasan yun.
maiiwasan!
hindi nga!
teka! marunong ka bang mag-bike?
tatlo gulong..
amf!
turuan mo ako?
hehe, sige ba..
sige, bukas!
uhm.. sige, tulog na muna tayo..
ahm, sige.. tulog na tayo
nyts
ingats
Posted by Cof E. Bean at 9:27 AM 0 comments
Labels: Onions