Friday, May 1, 2009

Luneta

"Love makes the world go round. "

Isipin mo na lang kung walang love, edi sana walang valentines. Malulugi yung mga farm ng roses. Hindi cool ang red sa February. Hindi nagee-exist si kupido. Walang live show sa Luneta. At baka nabuo ka dahil lang sa gusto ng magulang mo magparami ng population ng mundo.

Bakit nga ba ang hilig natin sa mga love story na pelikula at telenobela? Pero pag naging action o kaya naman heavy drama, bigla na lang ayawan na. Kasi lahat tayo naghahanap ng romantic na love story ng buhay natin.

Kung loveless ka, hindi naman masamang hanapin yung love, kaso wag mo lang paabutin sa point na natuon na lahat ng atensyon mo sa paghahanap lang nun. Malay mo sa sobrang paghahanap mo, di mo mapansin nasa tabi mo na lang pala. Marami namang forms of love eh. Family, God, friends, pet o kahit san mo pa gusto yan ilagay. Kung gusto mo mahalin mo pa yung kapitbahay mo eh.

Love comes in the most unexpected way. Pwedeng galing sa langit, pwedeng galing sa ilalim ng lupa. Pwede din namang bigla na lang bubulaga. Kahit gustuhin mo sanang maging pang mtv ng isang kanta yung mga eksena, may pagkakataon pa din na magiging parang episode ng WOW mali yung magiging screenplay nito.

Pero, bakit nga ba pag love na ang pinaguusapan eh masyado nang affected lahat ng tao? Kumbaga nakukuha agad yung atensyon nila, pwera na lang siguro dun sa mga bitter, man-hater, o kaya naman gusto nang tumandang binata or dalaga. Simple lang, kasi lahat tayo marunong umibig.

Love someone na parang yun na yung last chance mo. Pag nakita mo na sya, wag mo nang pakawalan. Kung pupusta ka lahat-lahatin mo na. Malay mo, maka-jackpot ka pa. Kaso sabi nila, bago ka magmahal ng iba, mahalin mo muna yung sarili mo. Magtira ka naman daw kahit konti ba? Pwede mo naman sigurong ipusta lahat eh, wag lang biglaan. Pabarya-barya lang. Kung sakaling butata, at least may next na pamusta ka pa..

0 Comments: