Wednesday, February 11, 2009

Bitter & Sweet

"ang pag-ibig parang ulan.. kung kelan hindi ka handa tsaka naman bubuhos.. kahit anung tago mo mababasa ka pa din.. ang masaklap kung kelan nag-eenjoy ka na, tsaka titila at mawawala.."

sino ba naman kasing nagsabi sayong magpabasa ka sa ulan?

eh malay ko bang bubuhos yun? eh biglaan nga!

edi sana naghanap kang masisilungan.. pwede ka din naman sanang magdala ng payong, kinakalimutan mo lang..

bakit di ka pa ba naulanan dati?

uhm..

ano?

naulanan na din.

eh ayun naman pala eh!

wala ka namang mapapala sa ulan na yan eh. sakit lng mkukuha mo. sisipunin ka lang!

eh ano naman, kaya nga may gamot eh. tsaka andun na ako, in-enjoy ko na lang

nag enjoy ka nga ba?

oo, kaso nung enjoy na bigla nang tumila e. sinubukan kong mag-rain dance kaso di na bumalik..

kitam mo na! sakit lang makukuha mo dyan sa ulan na yan!

eh, ano naman kung tumila na? pwede pa naman ako magantay ng next na ulan diba?

eh kelan pa ulit uulan? pag magaling ka na dyan sa sakit mo? tapos anong gagawin mo? papaulan ka ulit, tas magkakasakit ulit? kung ako sayo, mag-stay na lang ako sa bahay. at least di ako mababasa ng ulan.

okey lang magkasakit ulit, basta ma-enjoy ko lang yung ulan. siguro sapat na din yung buhos nun para alisin yung sakit na nakuha ko nung nakaraang ulan diba?

basta ako, dito n lng sa bahay. Wala akong panahon magtampisaw sa ulan na sinasabi mo

asus, makikita mo, magpapaulan ka din.

magpapayong ako!

liliparin yung payong mo..

kapote!

di japorms..

sisilong..

matatalsikan ka din..

amf!

hachooo!

ayan! sinipon ka na!

hehe, oo nga eh..

eto gamot inumin mo na, tapos pahinga ka na lang..

pero pagkatapos naman ng ulan diba may rainbow naman?

uhm, oo.. pero.. pahinga ka na nga!

hehe, sige salamat. pahinga na muna ako

sige ingats xD

0 Comments: