Tuesday, January 20, 2009

Moon Venus Jupiter

Last December pa tong entry na toh. Transfer ko lang dito sa blogspot xD


Love is blank___


Maraming quotes na akong nababasa tungkol sa love. Pero ngayon di ko alam kung anong quote yung mage-explain sa nararamdaman ko. Parang no word can explain how i feel. Di naman siguro mahalaga kung pano mo sasabihin yun eh. Ang mahalaga, kung pano mo yun ipadadama..

Di ko alam kung ako lang talaga o ako na talaga. Sabi nila, pag masaya daw ang isang tao. Pakiramdam nya lahat ng nasa paligid nya eh masaya na din. Yung tipong nakangiti lahat? Kaya siguro nung gabing yun eh nakita ko rin na nakangiti yung langit. Parang eksena sa isang pelikula, may mga ibon pa nga na extra eh.

Ang alam ko eh next week pa yung birthday ko. At mas lalong alam ko na ilang linggo pa bago dumating yung pasko. Di naman ako naging sobrang bait ngayon taon na toh para mabigyan ni santa ng magandang regalo, kaso napaaga pa nga ata yung dating nito. Sabi ko nung araw na yun sa sarili ko, makita ko lang sya ok na sakin. Kahit pagdating na pagdating ko sa meeting place pagkatapos ko syang makita, alis na. Kaso nung nakita ko sya, parang ayoko nang mawala pa sya sa paningin ko. Huminto yung oras ko nung mga panahong iyon. Kung yun man yung birthday gift para sakin, sobra sobra. Iba yung pakiramdam na alam mong gusto ka rin pala nyang makasama. Yung tipong alam mo na komportable syang kausap ka.

Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung pano buburahin yung ngiti sa labi ko. Hindi ko rin alam kung pano sasabihin kung gaano ako kasaya kasi naging part sya nitong buhay ko, at alam kong sa susunod na mga araw eh magiging part pa rin sya nito. Sa ngayon, ang tanging problema ko na lang ay kung san hahanap ng translator na pwedeng magtranslate kung anong tong sinisigaw ng puso ko..

xD

3 word phrase

"English phrase. 3 words. Nagsisimula sa buntung hininga.."

Minsan nagkakwentuhan kami magkakaibigan. "Bakit kaya ang hirap sabihin ng salitang I LOVE YOU lalo na dun sa mga mahahalagang tao sa buhay mo?" Nagtalo pa nga kaming lahat at nahati kami sa dalawang grupo. Sa panig ng lalaki, lahat kami kontra. Yung mga babae naman pakiramdam ko kinikilig lang talaga kaya gustong nakakarinig ng salitang yon. Dahil sa ayoko din namang magpatalo humirit ako, "ang korni naman kasi." Bakit mo pa sasabihin kung pwede mo namang iparamdam? Nanay ko nga di ko nasasabihan ng I LOVE YOU kahit minsan eh. Tawanan na lang kami pagkatapos..

Sometimes, may mga pagkakataon na kahit gaano mo iparamdam sa isang tao yung gusto mong iparamdam, di pa rin nila yun mai-interpret o kaya naman inaantay nilang marinig pa rin yung phrase na yun. Kelangan mo rin pala talagang sabihin sa kanila yun para mas maging convincing. Para makita ba yung sincerity. Action speaks louder than words. Yan lagi yung motto na sinasabi ko. Kaso, at the same time nagiging excuse ko na rin pala sya. Madaling magsabi ng mahal kita, i love you, 143, alam nyo, atbp. pagdating sa chat at pagsulat. Parang nabo-boost kasi yung confidence pagdating sa ganun. Kumbaga may multiplier. Kaya siguro nauso yung love letters nung panahon ng lolo ko. Sa sitwasyon ko, maraming bigas pa ata akong kelangang kainin para makaipon courage na yun at masabi yun nang harapan. Bilib ako dun sa mga taong may lakas ng loob para maglabas ng boses sa kanilang vocal chords para sabihin yung mga salitang yun.

Nung nasa High School pa ako, madalas kong mapagkamalang love yung simpleng infatuation. Nare-realize ko lang yun pagkatapos kong mapagisip-isip na na-cutan lang pala ako sa kanya dahil ang cute ng kanyang smile at ang sexy ng katawan nya. Never akong nabigyan ng payo ni tatay tungkol sa panliligaw. Never din naman kasi akong humingi ng payo, kaya ayun natapos ang pagiging HS ng wala akong napasukang romantic relationship. Nahihiya din kasi ako kay tatay, pakiramdam ko kasi pagt-tripan lang ako nun o kaya naman iisipin lang na baka manghingi ako ng dagdag allowance pan-date.

Mahilig ako sa mga love story na movie. Lalo na yung may mga cute na koreana. Hanggang ngayon nga may hang-over pa rin ako nung napanood ko kagabi. Kaya nga siguro napasulat ako ng tungkol sa love ngayon. Iba talaga yung pakiramdam. Blank. Always unpredictable. Yung pag tipong wala sya sa tabi mo, parang kumakarambola lahat ng thoughts na nasa isipan mo. Andaming tanong. Talo pa ang entrance exam sa college. Sya ang peace of mind mo. Gusto mong malaman yung iniisip nya. Kapag may problema sya, gusto mong tulungan syang i-resolve yun. Mas gusto mong lagi syang masaya. Kaso, dumating na pala ako sa point na parang sobra na. Nakalimutan kong may sariling buhay din pala ako. At may sariling buhay din pala sya. May sari-sarili kaming problema na kelangang maresolba mag-isa. Mga personal na bagay ba? Sa ngayon sana maresolba ko na rin yung sarili kong problema..

Sa wakas nasabi ko din ng may boses yung 3 word phrase na gusto kong sabihin. Dala ata yun ng adrenaline rush. Sa mga huling sandali nun wala pa rin ako sa ulirat ko. Mas mabuti na rin siguro yun kaysa wala. Pero sa totoo lang, pagkatagal tagal kong pinraktis yun. Nasa byahe pa lang ako nagiisip na ako kung tagalog ba o english. Gusto ko pa nga sanang french kaso di ko naman alam kung ano un sa french. Gusto ko nga rin sana na may fireworks at confetti. Sana dumating yung moment na buong lakas ko nang masasabi yun. Hindi yung pagkakataon na dala ng adrenaline rush o biglang buga na lang pagkatapos magmumog. Sana mabasa mo to. At kahit nakasulat lang to ipapangako ko sayo na darating din yung pagkakataon na masasabi ko sayo na I LOVE YOU.

Puto Bumbong

Bakit kaya simbang gabi ang tawag sa simbang gabi? Eh madaling araw naman yun.

Sabi nila, pag nakumpleto mo daw yung syam na misa ng simbang gabi ng di nakakatulog, matutupad daw yung wish mo. Kahit ano pa daw yun. Kaso, hindi ako yung tao na tipong nagsisimba linggo linggo. Ang paniniwala ko kasi, as long as naniniwala ka sa kanya at nagpapasalamat ka sa pangaraw-araw ay sapat na. Minsan kasi di ko rin gusto ang ambiance sa simbahan. Di naman kasi lahat ng nagsisimba eh holy. Naaalala ko nga nung huling simba ko eh sakto misa para sa patay. Minsan na nga lang akong magsimba madami pang nagiiyakan.

Nagsimbang gabi ako nung nakaraang taon. Ang problema di ko na naman nakumpleto. Napasarap kasi yung tulog ko nung ika-7 gabi na. Tatamarin na sana ako sa ika-8 kaso tinuloy ko na rin hanggang umabot ng pasko. Maganda ang paligid pag simbang gabi. Madaming nagbebenta ng puto bumbong, bibingka, suman, tas marami ding Christmas lights. Madalas meron ding mga nanle-laser sa mukha na parang myembro ng special task force para sa misa de gallo. Madalas din marami kang makikitang magsyota na ginagawang meeting place ang simbahan tuwing madaling araw. Masarap ding nadadampian ng hamog ng umaga paglabas mo ng bahay. At pag simbang gabi, napapadalas yung pag-gamit ko sa tinatago kong jacket. Pakiramdam ko tuloy lagi akong japorms.

Pag nagsisimbang gabi ako, madalas nagaabang din ako ng mga magagandang babae. Ang problema, yung mga tipo ko eh yung mga tipong laging may kasamang magulang pag nagsisimba. Di ko tuloy matabihan pag kakanta na ng ”Ama Namin.”

Sa ngayon di ko alam kung makukumpleto ko ba yung simbang gabi. Para kasing wala na akong iba pang wish. Parang pag nagwish pa ako sobra-sobra na. Napaaga lang siguro yung dating nung mga hiling ko na di ko naman talaga hiniling. Magsisimba na lang siguro ako para magpasalamat sa lahat at para matutukan ng laser sa mukha..

30 seconds

Dati tumambay ako sa Trinoma. May lumapit sakin na Indian missionary then nagpritch sakin tungkol sa paniniwala nya. After nun, binigyan nya ako ng papel, sabi nya sulat ko daw kahit anong wish ko. Matutupad daw. “Peace of mind” yung sinulat ko. Gusto ko sanang isulat yung tungkol sa greenhouse effect kaso wala din namang advantage sakin. Akala ko manghihingi ng donation nung huli, pero di pala. Pagkatapos nun, wala lang. Di ko na rin ina-ssume na magkatotoo..

Bata pa ako, sobrang naniniwala na ako sa fairy, kay santa at wishes na nagkakatotoo. Naalala ko pa nga nung bata pa ako, binigyan ako nung lola ko ng sobre galing sa El Shaddai, pag sinulat ko daw yung hiling ko dun. Magkakatotoo. Badtrip nga lang, mga usyusera yung mga tita ko. Binuksan ba naman tas binasa yung nakasulat. Hanggang ngayon di pa rin nagkakatoo yung nakasulat..

Nung bata ako, madalas kong hilingin yung mga magic powers, yung pwedeng lumipad, kapangyarihan ng hangin at mind manipulation. Kaso habang tumatanda ako, unti-unti na akong nabubwisit sa mga wish list ko. Pagiging superhero pala yung pangarap ko noon.

Minsan nagwish ako na sana makita ko na yung missing puzzle nung puso ko. Nagtapon ata ako ng piso sa sapa nun. Di ko na rin maalala kung kelan yun nangyari, baka nga sa panaginip lang. Wishes are just wishes daw. May nagsabi na pag dumaan daw sa isang mahabang tunnel yung sinasakyan mo, pigilan mo yung paghinga then make a wish. Pag napiligil mo yung paghinga mo until makalabas ng tunnel, maga-grant daw yun. Kaso yung huling tunnel na nadaanan nung jeep na sinasakyan ko eh wala pang 30 seconds tapos na. Kulang pa nga yung oras na yun para sabihin yung wish ko.

Expect the unexpected. Di ko inaasahan kaso nangyari. Di ko hinanap pero nakita ko. Di ko pinlano pero nagkatotoo. Sa maiksing panahon naging part na sya nung buhay ko. Nagbigay nung reason para maexcite akong gumising kinabukasan. Nagbigay ng peace of mind pag kasama mo sya. Yung parang matagal mo na syang kilala. Masyado lang sigurong mabilis lahat nangyari kaya ngayon mukhang mabilis ding babawiin. Gusto ko sanang maging selfish kaso di ko pa rin talaga kaya. Lagi na lang "bahala ka." Kung ano man maging desisyon nya. Dun na rin ako magiging masaya. Akala ko maifi-fit ko na yung missing piece, kaso baka madelay pa ata. Sana dumating pa yung pagkakataon na mabuo ko pa sya..

Dream Catcher

"Love is like a roller coaster, yung parang sa EK. Minsan nga lang stucked-up.."

Madalas pag sumasakay ako ng rides, sumisigaw lang ako ng patawa para maitago yung takot. Hehe, akala tuloy nila wala lang sakin yung ganung taas. Gusto kong sumasakay sa matataas na rides. Ang sarap ng pakiramdam na naco-conquer mo yung fears mo. Minsan ang best na solusyon para mawala yung takot eh yung pagtili. Pagsigaw. Paglabas ng lahat ng iyon sa kawalan. Ganun kasi yung madalas kong gawin. Pagkatapos tuloy ng rides, parang naiwan sa inuupuan yung boses ko.

Minsan, mas pinipili ng isang tao na itago yung nararamdaman. Yung tipong ok lang sa kanya kahit damdamin nya ng husto lahat ng sakit na nararamdaman nya. Sabi nila, pag lumuluha daw ang isang tao. Nacoconvert sa teardrops yung emotions na di kayang i-handle ng puso. Pag sobrang lungkot na ng isang tao, pagkatapos nyang umiyak ng sobra-sobra, minsan nagiging ok na sa kanya ang lahat. Nasa isip lang daw ang kalungkutan. Kaso madalas, nasusurpass ng sobrang kalungkutan yung mentality na ganun. Sa huli kinakain pa rin sya ng lungkot.

Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo isusuko ang lahat-lahat. Hahayaan mong oras ang magpasya pero hindi mo hahayaang oras din ang magdala ng nararamdaman mo. Baka ma-late ang oras, hindi na nya maibalik yung love na dati antagal mong hinangad na dumating sayo.

"He who breaks a resolution is a weakling, He who makes one is a fool. -F.M. Knowles"

Lapit na din pala ng new year. Parang kailan lang, nagpalipas ako ng bagong taon sa bahay ng kaibigan ko. Ngayon magpapalipas na naman ako ng taon sa bahay ng iba. Daming nangyari sa taon na toh. Once, nagkakwentuhan kami nung isa kong kaibigan sa trabaho. Tinanong nya ako, "Pare, pano kung lahat ng bagay. Lahat ng nangyari in a certain part of your life eh hindi pala totoo? Lahat pala yun eh panaginip lang? Then one time magising ka, anong gagawin mo?" Inisip ko pano kung panaginip lang tong buong taon na to. Siguro kahit sumakit pa ang likod at batok ko sa kakahiga, pipilitin ko pa rin na balikan ang panaginip na yun. Maglalagay ako ng dream catcher sa ibabaw ng kama ko. Mahirap tanggapin na lahat ng nangyari na toh, lahat ng nakilala, lahat ng ligaya at lungkot na naranasan ko eh pawang katha lang ng isip ko. Hanggang ngayon siguro di pa rin ganun kasapat yung lakas ng loob na naiipon ko.

Kung pababalikin ako sa oras, babalik ako para tignan lang yung dating ako. Yung panahong wala pa akong tigyawat. Pero di ako babalik dun para baguhin yung mga nangyari. Hanggang ngayon di ko pa rin maisink-in sa utak ko yung salitang regrets. Minsan may nagsabi sakin tungkol sa destiny. Kung sakaling magbago man yung mga pangyayari. Makikilala at makikilala mo pa rin yung soulmate mo. Yung tipong, lahat ng taong nakilala ko, makikilala ko din sa ibang pagkakataon at ibang panahon. Kung sakaling ganun, di pa rin ako papayag na mairearrange lahat ng nangyari sakin. Gusto ko nang nakilala ko siya ng ganun..

Ayun, hanggang ngayon inaalala ko pa rin yung mga nangyari sa buong taon na toh. Pero isa lang yung di ko pa rin maialis sa isipan ko. Naging parte kayo ng pagkaubos ng buhangin ng glass hour ng taon kong ito. At sana, kasama ko pa rin kayong ibaliktad naman ang glass hour para sa sunod na taon ko.

Masaya ako kasi naging parte ka rin ng taon ko, ikaw ang isa sa pinakamagandang nangyari sa taon na toh..

Salamat :)

Pink Flower

If i have to choose between loving you, and breathing. I would use my last breath to say I love you.

Madalas, ang isang relationship ay nagsisimula sa ligawan. Ang problema nga lang sa isang ligawan. Madalas may naliligaw.

Di ako marunong manligaw. Sakit ko na ata to simula pa nung nalaman ko sa sarili ko na babae pala ang gusto ko. Akala ko kasi nung bata pa ako, walang gender gender. Depende sa isusuot mo yung kasarian mo. Eh madalas akong pagsuotin ng panty ng nanay ko dati. Nagpapahulugan kasi sya ng mga damit pambabae nung bata pa ako. Madalas ko rin na kalaro nung bata ako eh mga babaeng kapitbahay namin. Sa ngayon pag nakikita ko nga sila napapaluwa na yung mga mata ko.

Torpe daw ako sabi nung babaeng dapat liligawan ko nung 1st sem, 1st year. Parang wala lang sakin nung sinabi nya yun. Di ko naman alam meaning nun e. Akala ko pa nga compliment. Naaalala ko pa nga nung nagtangka akong manligaw sa crush ko nung 4th year high. Halos naubos yung buong lunch break namin bago ako makapagsalita sa harap nya at sabihin yung dapat kong sabihin. Ayun sa bandang huli, nauwi sa panghihiram ng notebook yung usapan akala nya kasi nagjo-joke lang ako. Nauutal ako. Napipipi. Parang may epilepsy yung dila ko na kusang nagwawala sa tuwing kakausapin ko yung crush ko. Kaya ang madalas na nangyayari. Di ko nasasabi yung gusto kong sabihin. Sira yung dialogue na matagal kong napraktis sa harap ng salamin sa cr.

Bakit nga ba nauso pa yung ligawan? Di ko nga rin alam kung sino yung nagpauso ng salitang yan. Masyado bang malinaw ang direksyon nila kaya kelangan pang man-ligaw? Nagsisimula ba ang pag-usbong ng damdamin pag sinabi nung lalaki na "Pwede bang manligaw?" Minsan mas maganda pa nga yung walang ligawan na nangyari. Yung bigla na lang na bumulong yung puso nila na "mahal kita at mahalaga ka sakin." Ang importante naman sa isang relationship eh pareho nyong alam sa isa't isa yung tunay nyong nararamdaman. Di rin mahalaga yung date kung kelan kayo naging kayo. Ang mahalaga, kayo pa rin hanggang ngayon. At alam nyong bukas ay magiging kayo pa rin. Di ba?

"Kung bola ka at basketball player ako, matatanggal ako sa varsity team namin. Lagi kasi kitang nami-miss"

Masarap yung pakiramdam ng kasama mo yung taong mahal mo. Yung tipong kahit nagkakitaan naman kayo nung nakaraang linggo eh excited ka pa ring makita sya sa araw na toh. Iba yung pakiramdam, di tulad ng kasama mo yung kina-starstruckan mong tao. Pag kasama ko yung kina-starstruckan ko, pakiramdam ko high ako. Lagi akong overdose sa ka-gandahan nya. Minsan naman nabibitin lalo na kung di ko sya nakasama ng matagal o makausap man lang. Pag yung taong mahal mo yung kasama mo, parang every moment sakto lang. Sapat na para kumpletuhin yung araw mo. Kahit di ka na nagtanghalian at hapunan, pakiramdam mo naka-limang sachet ka ng extra joss. Yung paglukso ng dugo na hindi sobra, hindi rin kulang. Hanggang ngayon nga hirap pa rin akong i-describe. Ang mahalaga, nararamdaman ko pa rin sya hanggang bago ako matulog at sa palagay ko may hang-over pa rin ako pag-gising ko..

LSS

Tantananant-tananant-tananananan-tanan-tananant-tanananananan-tantantantantantannn- George Winston's Canon in D

Ewan ko, hanggang ngayon siguro may hang-over pa rin ako nung last time ko syang nakita. Sabi nila, makakarinig ka daw ng bells na nagri-ring o music na patuloy na magp-play sa tenga mo once na makita mo na yung taong magpapatibok ng puso mo. Kumbaga parang theme song sa isang pelikula na automatic na isasalang pag romantic na yung scene? Sa sitwasyon ko. Wala akong narinig na ganun. Madalang din kasi akong maglinis ng tenga. Para sakin kasi, bawat salitang naririnig ko sa kanya eh parang nota ng piano na nagbibigay musika sa araw ko. Madalas pa nga nae-LSS pa ako e. Napapakanta ako kahit walang lyrics.

Ang akala ko dati ayos na ako sa sitwasyon ko. Patingin-tingin. Yung tipong wala akong karapatang mag-selos. Stay-foot lang kumbaga. Mahirap pala yung ganun. Minsan, kahit kaya ng isip mo. May pagkakataon pa rin na bumibigay naman yung puso. Mabigat sa pag-hinga.

I never wished for someone who would offer me the moon and the stars, just someone to lay down with and watch them is enough

Pambabae yang quote na nakita ko. Gusto ko sanang i-revise na maging panlalaki kaso dinudugo yung utak ko eh. Simple lang pero maganda. Sapat na para kiligin yung makakabasa. Masarap din palang malaman na hinahanap ka rin nung taong mahal mo. Yung tipong nami-miss ka din pala nya? Ang akala ko kasi ako lang yung naghahanap lagi. Parang nagta-trampoline yung puso ko nung mga panahong iyon. Ang masama lang parang na-overdose na ata ako. Hanggang ngayon kasi naghahanap pa rin ako ng eraser para lang mabura yung ngiti sa mga labi ko..