Friday, November 21, 2008

BF material

Ang pag-ibig parang sugal. Minsan nananalo, minsan naman talo. Depende sa pusta ang bawi. Pero di naman importante kung manalo ka man o matalo, ang mahalaga naranasan mo ito at alam mo sa sarili mo na nasiyahan kang maranasan ito.

Simula nang matalo ako sa pustahan ng dota nung 1st sem ko nung college, sinabi ko sa sarili kong di na ako makikipagpustahan kahit kelan. Kaso eto na naman ata ako. Di ko namalayan pumusta na naman ako. Ang masama nun, di ko nakwenta kung ilan yung pusta. Sabi nung tatay dun sa napanuod kong pinoy movie dati, "Ang tunay na pag-ibig, undconditional. Yung tipong walang hinihinging kapalit, makasama mo lang siya solve ka na." Siguro nga yun yung nararamdaman ko ngayon. BF material daw ako, BEST FRIEND material. Kahit ako sa sarili ko pag tumitingin ako sa salamin, napapatanong din e. Hindi ko nga ma-imagine kahit minsan yung sarili ko na nagkaroon ng romantic na lovelife. Hanggang pagpapasiya lang kasi talaga kaya kong i-offer. Minsan nga clown na rin tingin ko sa sarili ko pag tumitingin ako sa salamin. Kung sa bagay, mabilis din magbago takbo ng utak ko kaya di rin naman siguro ako tatagal sa isang relationship.

Masaya ako ngayon. Kaso di ko pa rin maiwasan na malungkot minsan. Medyo nakakaparanoid kasi. Kung kelan naman gusto ko na talaga sya, saka naman andaming nagpapacute na hadlang. Dami kong karibal. Kaso di ko naman tinuturing yung sarili ko na karibal sila. Parang ayos na kasi sa akin yung makita siyang maging masaya, kahit sabihin na natin na di ako yung kasama. Ngayon ko lang naramdaman to. Kung ako mismo di ko magawang maging masaya, kahit man lang ibang tao magawa kong mapaligaya. Potek! Ang korni na pala.

Kahit na ipilit ko sa sarili ko na wag maging ganun, sa bandang huli ganun pa rin talaga. Sawa lang siguro akong ma-disappoint kaya sa ngayon ayoko nang mag-assume. Ang mahalaga sakin, maging masaya lang sya..

0 Comments: