Love is blind kaya walang Love at first sight
Love is unconditional daw. Kung sino yung lagi mong kasama, sino yung nakikita mong nagca-care, yun yung madalas mong mahulugan ng loob. Kaso in some point napapagkamalan nating love yung simpleng infatuation o paghanga sa isang tao.
Pero bakit nga ba maraming kakaibang bagay ang nangyayari pag ang isang tao ay in-love?
Once daw na in-love ang isang tao ay nagkakaroon ng kakaibang behavior ang cells sa katawan nila at yun ay ang karaniwang nagiging responsable sa pagkontrol sa heartbeat, feelings, at mindset nito. Ito ang pinakadahilan kung bakit madalas di makakain, di makatulog, at laging tulala ang isang taong nabiktima nito.
"When you are in Love you can't fall asleep because reality is better than your dreams."
Sabi nila, ang love daw ay parang picture. Nade-develop. Yang yung fact na hindi ko agad nalaman nung High School ako. Wala naman kasing subject na Romance dati e. Kung alam ko lang sana, edi dinaan ko sa hatid pag uwian yung crush kong babae noon. Sana nagkaroon na rin ako ng High School Love at babaeng sosolohin ko nung JS Prom.
Yan ang problema ko ngayon. Mali ata yung camera na nagamit ko para madevelop tong nararamdaman ko. Sana pala digital na lang yung ginamit ko para print na lang agad, pwede pang i-Adobe. Masakit palang makitang nasasaktan yung taong mahal mo. Kung gaano kasakit yung nararamdaman niya, triple nun salo mo. Mahirap kasing tanggapin yung katotohanan na wala kang magagawa para mapawi ng tuluyan yung sakit. Sinubukan ko na ngang iminom ng pain reliever kaso di naman ako hiyang.
Ang Love daw, nakakahawa. Mabilis kumalat ang epidemya. Pero di tulad ng sore eyes o bulutung tubig. Bago mo pa malaman, nahawa ka na pala..
Monday, November 24, 2008
Kodak
Posted by Cof E. Bean at 1:48 PM 0 comments
Labels: em//o
Friday, November 21, 2008
BF material
Ang pag-ibig parang sugal. Minsan nananalo, minsan naman talo. Depende sa pusta ang bawi. Pero di naman importante kung manalo ka man o matalo, ang mahalaga naranasan mo ito at alam mo sa sarili mo na nasiyahan kang maranasan ito.
Simula nang matalo ako sa pustahan ng dota nung 1st sem ko nung college, sinabi ko sa sarili kong di na ako makikipagpustahan kahit kelan. Kaso eto na naman ata ako. Di ko namalayan pumusta na naman ako. Ang masama nun, di ko nakwenta kung ilan yung pusta. Sabi nung tatay dun sa napanuod kong pinoy movie dati, "Ang tunay na pag-ibig, undconditional. Yung tipong walang hinihinging kapalit, makasama mo lang siya solve ka na." Siguro nga yun yung nararamdaman ko ngayon. BF material daw ako, BEST FRIEND material. Kahit ako sa sarili ko pag tumitingin ako sa salamin, napapatanong din e. Hindi ko nga ma-imagine kahit minsan yung sarili ko na nagkaroon ng romantic na lovelife. Hanggang pagpapasiya lang kasi talaga kaya kong i-offer. Minsan nga clown na rin tingin ko sa sarili ko pag tumitingin ako sa salamin. Kung sa bagay, mabilis din magbago takbo ng utak ko kaya di rin naman siguro ako tatagal sa isang relationship.
Masaya ako ngayon. Kaso di ko pa rin maiwasan na malungkot minsan. Medyo nakakaparanoid kasi. Kung kelan naman gusto ko na talaga sya, saka naman andaming nagpapacute na hadlang. Dami kong karibal. Kaso di ko naman tinuturing yung sarili ko na karibal sila. Parang ayos na kasi sa akin yung makita siyang maging masaya, kahit sabihin na natin na di ako yung kasama. Ngayon ko lang naramdaman to. Kung ako mismo di ko magawang maging masaya, kahit man lang ibang tao magawa kong mapaligaya. Potek! Ang korni na pala.
Kahit na ipilit ko sa sarili ko na wag maging ganun, sa bandang huli ganun pa rin talaga. Sawa lang siguro akong ma-disappoint kaya sa ngayon ayoko nang mag-assume. Ang mahalaga sakin, maging masaya lang sya..
Posted by Cof E. Bean at 11:31 AM 0 comments
Labels: em//o
Saturday, November 15, 2008
Ferris Wheel
Linggo nun. Nagtangka na akong umuwi sa bahay namin. Mahigit isang buwan na rin simula nang mag-istokwa ako sa kadahilanang pineke ko yung school grades ko at pinangako ko kay tatay na may scholarship akong makukuha. Saklap. Sa sobrang pagka-guilty eto ako ngayon, nagt-type. Eto na ata ang isa sa pinakamahirap na bagay na tinangka kong gawin. Daig pa nga yung space shuttle tsaka yung ferris wheel sa enchated e. Gusto ko sanang magpatulong at magpasama sa mga kaibigan ko, kaso kung kelan naman kelangan ko sila saka naman di ko mahagilap sa mga bahay nila. Kung sa bagay, kinaya ko ngang gawin mag-isa e, kaya ko pa kayang gawin ulet mag-isa? Moment of truth, parang andaming hadlang. Nagsimba ako sa kapitbahay namin na simbahan. Lampas alas-tres na rin yun kaya siguro walang misa. Palapit pa lang ako sa pinto ng simbahan ng makakita ako ng kabaong. Nagulat ako kasi di ko alam na may libing pala pag linggo at nagpapamisa pa mismo sa simbahan. Nagdasal lang ako saglit nang pagtayo ko eh may nakasalubong akong isa pang kabaong na dadalhin sa altar. Tsk. Nagmadali na akong lumabas ng simbahan para maka-recover.
Takot ako sa kabaong at sa nasa loob nito. Sa katunayan nga nung bata pa ako, nung namatay yung lolo ko e di ko man lang tinignan yung nasa loob ng kabaong nya. Pakiramdam ko kasi eh baka kindatan ako nung nasa loob. Tsaka ampanget ng ambiance pag may patay. May ilaw na orange, biskwit, baraha, majong, kape at iyakan. Pero sa kabilang banda nagkakaroon ng instant reunion yung mga magpipinsan.
Maraming outlet papasok ng looban kung san andun yung bahay namin. Kaya namili muna ako ng mas safe na ruta. Pinili ko yung sa backdoor ng looban. Malakas yung kabog ng dibdib ko. Nakasalubong ko pa yung mga kalaro ko nung bata pa ako, kaso parang di na ata nila ako kilala. Naglakad pa ako papasok. Nakakita pa ulet ako ng burol, masamang pangitain. Napaimagine tuloy ako, baka habulin ako ng kutsilyo ni nanay pag nakita nya ako at sumunod na akong iburol. Nakita ko dun yung ninang ko na nagto-tong its sa burol. Sa tingin ko, di nya na rin ata ako namumukaan kaya dumiretso na lang ako ng lakad. Dami kong nakakasalubong na pinsan. Napansin ko rin nakawhite na polo pala ako. Akala siguro nila multo ako kaya di nila ako pansin at ambibilis ng lakad nila. Nainis na ako sa di nila pagpansin kaya ako na yung nang-harang. Buti nakilala ako nung isa kong pinsan. Ayun, malapit na sana ako sa bahay kaso nagkaroon ng dahilan para magback-out. Alis kami ni pinsan. Sa pagkidnap ko sa pinsan ko, kulang na lang magpakalbo ako at magsuot ng salamin para talunin si boy abunda sa dami nung mga tanong ko. Nalaman ko na nagmigrate na daw yung pamilya ko papunta sa di nya alam na lugar. In short, wala na pala sila dun. Ayun back to zero na pala ako. Sana makita ko pa sila..
Posted by Cof E. Bean at 10:43 AM 1 comments
Wednesday, October 29, 2008
Shrek
"Love is in the air, kaya hirap na naman akong huminga"
Lahat na lang! Ewan ko ba?! Ang pagkakaalam ko malapit na ang Halloween pero ang Valentine's malayo pa naman diba? Halos lahat kasi ng tao sa paligid ko kelangan na atang magpatingin sa espesyalista sa puso. Di ko rin alam kung ako lang ba yung may deperensya o talagang marami lang na taong may problema sa pag-ibig ngayon. Pati tuloy ako nadamay sa pamo-mroblema nila. Pati nga si Shrek may lablayp eh.
Sabi nila, naiisip lang daw ng tao ang problema sa love pag wala silang ibang maproblema. Sa kaso ko parang totoo yun. Nakakasawa na rin kasing isipin yung resignation na pinasa ko sa boss ko na pilit nilang dinedelay hanggang 15 days. Bukod sa umay na umay na ako sa trabahong iyon, wala pang mga chix. Kaya ngayon, wala akong ibang maproblema kundi ito.
Destiny is for real. Ilang beses ko nang ayaw paniwalaan yun kaso sa bandang huli nauuto pa rin ako. Mahirap palang itago yung pagmamahal lalo na kung malaki ito. Crush sya ng kaibigan ko. Di ko alam kung hanggang ngayon crush nya pa rin yun, pero ang alam ko crush ko na rin sya. Simula pa nung elementary ay sumpa na ata sakin ito. Sa tuwing magkaka-crush ako, asahan mo na crush din yun nung mga malalapit kong kaibigan. Hindi ko naman sinasadya yun, papansin lang talaga si kupido o kaya naman e madalas magkatabi kami nung kaibigan ko pag namamana sya kaya pareho kami yung tinatamaan.
Ngayon may part sakin na gustong lumayo at may part na gusto ring sumubok. Nagkaroon ako ng pagkakataon na kahit pano eh mapakita yung nararamdaman ko sa kanya. Sabi ko sa kanya liligawan ko sya kaso biro lang. Kung baga, testing lang kung romantic ba ako manligaw? Parang ang korni pakinggan kaso tinake ko na rin yung chance. Kahit papano maipapakita ko na rin yung nararamdaman ko. Lininaw nya rin naman sakin na di kami pede magkahulugan. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, "Wag kang mag-alala di ako bumbay. Di ka mahuhulog sakin"
Marami akong pangarap na romantic scene. Andun na yung pagdating ng first anniversary namin nung mahal ko eh magpapafireworks display ako. Ang-mahal siguro nun? Pero ayos lng libre naman mangarap eh. Andun pa yung magpapaprint ako ng tarp na may nakasulat na "Happy Monthsary" tas paliliparin ko sa langit gamit yung lobo na may kulay na favorite nya. Marami pa sana akong plano kaso sa ngayon eh itatago ko na lng, baka kasi mabadtrip sakin yung nagbabasa nito at di na magbasa ulet ng iba kong entry. Sa ngayon bahala nang pumalo yung destiny. Sana lang maging maganda at di ganun kasakit yung hampas nya.
End?
Posted by Cof E. Bean at 11:21 AM 0 comments
Labels: destiny
Saturday, October 25, 2008
Part 1
"Fate is the one building bridge of chance for your love"- lolo sa ilalim ng puno sa movie na "My Sassy Girl" korean version.
Ang akala ko dati sa pelikula ko lang makikita at sa panaginip lang ako makakaranas ng ganito. Epekto na naman ata ng love story na napanuod ko yung pagiging senti ko ngayon. Halos magiisang taon na rin kasi simula nang nangyari ang love story kong ito. Hanggang ngayon nga kinikilig pa rin ako. Iba nga daw kasi pag first time. Pag first love? Pero di tulad ng iba, di ako nakaramdam ng paru-paro sa tyan at aspili na tumutusok sa puso. Ang alam ko, humihinga ako nuon. Nung mga panahong iyon, napaniwala akong destiny/ fate is for real..
Hindi ko alam kung pano sisimulan. Pano ba naman kasi, kahit ako sa sarili ko di ko alam kung pano nagsimula. Basta ang alam ko nun, madalas akong mag-abang sa gate ng university para lang kumpletuhin ang araw ko ng isang babae na kahit pangalan eh hindi ko alam. Ayos na kahit di ko pasukan yung subject. Kahit matulog sa trigo. Kahit maging 5 sa chem lab. Ganyan ako nung mga panahong iyon.
Maganda sya. Well, maganda talaga. Chinita. Maputi. Simple. Sapat na siguro lahat ng katangian nya para magustuhan ko talaga. Adik ako sa mga intsik nung mga panahong iyon. Naaalala ko nga, nagpunta talaga akong china town para lang makakita ng mga chix na gaguhit lang ung mata. Kaso nasayang lang yung oras ko. Puro mga pinoy din yung nakita ko. Mga empleyado ng intsik na nagtitinda ng tikoy at mami.
Ilang buwan din akong paulit-ulit ang cycle ng pagpasok sa eskwela. Abang, lingon, ngiti, uwi. Humantong na nga ako sa pagiging stalker e. Mismo ako natatakot na sa sarili ko. Iba pala talaga pag gusto mo ang isang tao. Kahit ikaw sa sarili mo, halos di mo na rin makikilala. Nakakaumay pagmasdan ang mga pinaggagagawa ko. Kaya siguro nabadtrip ang tadhana. Gumawa na ng paraan..
Naglalakad ako pauwi nun. Madilim ang paligid, tanging streetlights lang yung ilaw sa kalye. Gabi na rin kasi kami natapos sa praktis sa choir. Normal lang yung lakad ko nun nang may makita akong grupo ng lalaki na parang may binabastos na babae. Nilapitan ko unti-unti. Namukhaan ko yung babae. Sya na nga. Ewan ko ba? Parang bumilis ang tibok ng puso ko at dalidalian akong sumugod para ipagtanggol sya. Di ko na inalintana yung laki ng katawan ng mga bogus na yun. Basta ang alam ko, ipagtatanggol ko sya. Nang nagkamalay ako, nakita ko na lang sya na nakatingin sakin at hawak ang aking mga kamay. Tinanong nya ako, "Ayos ka lang ba?" Sabay napangiti at nagpasalamat sa aking pagtulong. Unti- unti akong nakaramdam ng patak ng tubig sa aking pisngi. Napansin ko naluluha sya. Maya maya ay may kumurot sa aking paa, "Gumising ka na, tanghali na huy!" nanay ko lang pala yung kumukurot sakin. Ang akala ko totoo na. Yun pala tumutulo lang yung laway ko at napansin kong basa na yung pisngi ko..
(abangan..)
Posted by Cof E. Bean at 11:44 AM 2 comments
Labels: destiny