Sunday, May 17, 2009

..

Arrrggghhh!!

Raaaahhhh!!

Roooaaarrr!!

GGrrraaaawwww!!

Naaaburido ako ngayon!!

Ewan ko ba?

Siguro kasi dahil nawala yung pambili ko ng merienda o kaya naman..

Dahil sa buhok ko?

Papagupit na nga ako :>

Monday, May 11, 2009

Baseball

Ngayon ko lang to nagawa sa tanang buhay ko. At pinapangako kong ngayon ko lang naranasan ang bagay na toh. Hindi ko alam kung pwede ko bang ipagmalaki o itatago ko na lang ba ito hanggang sa aking pagtanda. Ngunit dahil sa labis na pagkabagabag ng aking kalooban na baka magmulto sila sakin, ibabahagi ko na lang sa inyo ang aking karanasan. Para kung sakaling may mangyari sakin, ay may nakakaalam ng aking storya.

Masaya akong nakaharap sa computer nang mangyari ang krimen na yun. Nagdo-download ako ng mga laro, nag-gagala sa internet at tumitingin na din ng video sa youtube nang may napansin akong kumaluskos sa bintana ng aking kwartong kinalalagyan. Di ito gaanong kalayuan sa pwesto ng computer na kinalalagyan ko kaya narinig ko kaagad ang dahan dahang kaluskos ng paa ng dumaan. Ngunit dala na din ng antok, inisip ko na lang na sa video lang ng aking pinapanuod ang narinig kong kaluskos.

Maya't maya, nakarinig ulit ako ng mga alikuskos na tila galing na naman sa paa. Di ko na pinalampas ang pagkakataong yun at tumayo na ako sa aking kinalalagyan. Liningon ko ang pwesto na pinaghihinalaan kong pinanggalingan ng tunog. Sa paglingon ko, nagulantang ako ng may nakita akong nakapwesto sa higaan ko at akmang may gagawing masama. Maitim sya. Kulay brown na halos ang panlabas nyang kulay at maiitim ang kanyang mga mata. Nagkatinginan kami. Eyes to eyes. Hinihintay ko na lang na kumurap sya para makagawa ako ng isang malupit na hakbang. Nang akmang susunggab na sya sakin, tila ba may AI na nakaprogram sa katawan ko at dinampot ang sandatang nakabalandra sa aking bandang paanan. Nang tumalon sya paabante sa akin ay hinampas ko sya na tila isang bola ng baseball at humandusay sya sa sahig. Gusto kong sumigaw nang mga panahong iyon ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig. Nangyari ang lahat ng iyon sa loob lamang ng ilang segundo. Grabe ang kabog ng dibdib ko ng panahong iyon. Kakaiba ang pakiramdam nang makita ko syang mahilo-hilo sa sahig. Natulala ako ng ilang segundo. Hindi ko alam kung mangingibabaw ang pagkamangha o takot dala ng aking krimen na ginawa. Tinignan ko ulit ang nakahandusay na katawan nya. Gumagalaw galaw pa ang paa nya. Nagdalawang isip pa ako kung gagawin ko ang susunod na hakbang ngunit dala ng takot ay tinuluyan ko nang wakasan ang kanyang buhay.

Sinuot ko ulit ang sandatang aking ginamit panghampas sa kanya. May silbi pa rin pala yun kahit nakanganga na. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba o hahayaan ko na lang syang pumanaw sa cerebral hemorage na dulot ng aking pagkakahambalos gamit ang aking tsinelas. Nagdilim na ang paningin ko ng makita kong gumagalaw pa ang paa nya. Agad ko syang inapakan sabay takip ng tenga para di na marinig ang talsik ng kanyang laman. Natulala ako, pakiramdam ko babalikan ako ng kaluluwa nya. Paulit ulit na bumabalik sa pakiramdam ko ang anim nyang paa at brown nyang pakpak. Baka balikan ako ng isang libo nyang kamag-anakan.

Sa ngayon, napagtanto ko na dapat ay nagsasara pala ako ng bintana para hindi ako pasukin ng ganung nilalang..

Sunday, May 10, 2009

...

Mahigit 2 years na din nung huling kita ko sa kanya,

Sya ang unang babaeng dahilan kung bakit may heartbeat ako..

Kaso di sya yung unang babaeng sinabihan ko ng "Mahal Kita"

Kaya ngayong araw na toh..

Binabati kita..

Maligayang Araw ng Ina :)

Saturday, May 9, 2009

Antioxidants

MSN Onion EmoticonAng pag-ibig parang paginom lang ng kape yan eh..

hahawakan mo ng tama lang ang tasa, yung tipong hindi masyadong mahigpit at hindi rin masyadong magaan kasi baka mabitawan. tapos dahan dahan mong iinumin. di pedeng agad agad kasi baka mapaso yung dila mo. kaso di mo din pedeng iwan lang at hintaying lumamig dahil baka mawalan na din ng lasa..

Onion Iconsnakainom ka ng kape noh?

Onion Iconhehe, hindi naman..

Onion Emoticonayoko ng kape!

Onion Iconsbakit naman?

Onion Iconsnakakaadik yun eh

MSN Onion Emoticonspwede ka namang maghinay-hinay lang sa pag-inom diba?

MSN Onion Iconkahit na, pag nagustuhan mo na yung pag-inom, maya't maya di mo na mapipigil yung sarili mo na magtimpla..

Onion Iconsbakit na-adik ka na ba dati sa kape?

Onion Emoticon...

Onion Iconsdo you know that coffee has more antioxidants than green tea? antioxidants can help prevent aging..

Onion Emoticon Setanak ng tokwa! ano ka commercial?

Onion Iconshaha, tara coffee shop na nga lang tayo

Onion Emoticon Setayoko nga ng kape!!!

MSN Onion Iconslibre ko

MSN Onion EmoticonTARA!!

Thursday, May 7, 2009

..

Parang ibang tao ako.

Parang may sumapi sakin na kung sino.

Parang papanaw na ako bukas makalawa.

Bakit ba ang bait ko nitong mga nakaraang araw?

Bakit ba ang sipag ko ngayon?

Siguro, dahil dun sa footlong na nakain ko -_-

Tuesday, May 5, 2009

...

Sa di maipaliwanag na kadahilanan, gusto kong mapanuod ulet ang "My Sassy Girl". Ewan, na-miss ko lang siguro talaga si Dianne. Kaya yung korean na chix na lang yung pagnanasahan ko.. waaaa! O.O

Sunday, May 3, 2009

merlion

Ayun wala na siguro. Kung sa bagay thankful ako sa destiny kasi nagkaroon ako ng chance makasama sya.

Masyado lang talagang malayo ang Singapore. Sabi ko na nga ba eh, kaya mainit yung dugo ko dun sa Merlion na yun. Darating yung araw na aagawin nya yung crush ko! Haha, miss ko na din sya. At a certain point of my life, narealize ko na yung word na "regret". Akala ko nga di na yun part ng dictionary eh.

Ilang gabi na akong nanaginip ng tungkol sa Singapore! Yung building na may blue na ilaw. Haha, parehong spot. Parehong scenario. Ewan, siguro wala lang akong ibang maisip kaya puro merlion ang inaatupag ko..

Saturday, May 2, 2009

32 days

"True love doesn't have a happy ending, because true love never ends. Letting go is one way of saying I love you." -unknown

Mahigit one month na din pala after nang nangyari lahat. Ewan ko, siguro nga lipas na yung sakit. Brain cells ko na lang ata yung nage-emo.

Naglinis ako ng treasure box ko. Ewan ko ba kung bakit? Ang alam ko dapat natulog na agad ako dahil sa mahabang paglalakad sa megamall na nagtransform sa divisoria kanina lang dahil sa SALE! Badtrip, wala akong pera! Epekto na rin siguro nung cobra na binili ko dun sa tindahan. Ang totoo napilitan lang ako bumili kasi chix yung bantay.

Ewan ko kung anong meron dun sa treasure box ko. Eh puro lang naman ticket ng bus yun at resibo ng store na pinagbilhan namin ng pagkain. Siguro yun na lang yung treasure na maitatago ko para maibalik yung memories. Hanggang ngayon, nakakaramdam pa din ako ng lungkot pag naaalala ko. Akala ko madali mag-let go, madali lang palang sabihin. Siguro kulang pa ang isang buwan para tuluyang mawala yung sakit.

Antayin ko na lang maglaslas yung emong brain cells para tuluyan nang mawala yung bitter side -_-

Last na rin siguro toh ng ka-emohan ko.

Haha! Sa ngayon maglalaba na lang muna ako, wala na akong masuot..

Friday, May 1, 2009

Hug and Buzz

Pano kung ALIEN ako na galing sa ibang planeta tas wala akong ibang emotion.. paano mo sakin ide-define yung love?

uhmm.. sasabihin ko sayo, "niong niong niong"

anak ng tokwa!

haha, bakit ikaw pano ba?

hmm, yayakapin kita..

Dream Catcher

"Love is like a roller coaster, yung parang sa EK. Minsan nga lang stucked-up.."

Madalas pag sumasakay ako ng rides, sumisigaw lang ako ng patawa para maitago yung takot. Hehe, akala tuloy nila wala lang sakin yung ganung taas. Gusto kong sumasakay sa matataas na rides. Ang sarap ng pakiramdam na naco-conquer mo yung fears mo. Minsan ang best na solusyon para mawala yung takot eh yung pagtili. Pagsigaw. Paglabas ng lahat ng iyon sa kawalan. Ganun kasi yung madalas kong gawin. Pagkatapos tuloy ng rides, parang naiwan sa inuupuan yung boses ko.

Minsan, mas pinipili ng isang tao na itago yung nararamdaman. Yung tipong ok lang sa kanya kahit damdamin nya ng husto lahat ng sakit na nararamdaman nya. Sabi nila, pag lumuluha daw ang isang tao. Nacoconvert sa teardrops yung emotions na di kayang i-handle ng puso. Pag sobrang lungkot na ng isang tao, pagkatapos nyang umiyak ng sobra-sobra, minsan nagiging ok na sa kanya ang lahat. Nasa isip lang daw ang kalungkutan. Kaso madalas, nasusurpass ng sobrang kalungkutan yung mentality na ganun. Sa huli kinakain pa rin sya ng lungkot.

Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo isusuko ang lahat-lahat. Hahayaan mong oras ang magpasya pero hindi mo hahayaang oras din ang magdala ng nararamdaman mo. Baka ma-late ang oras, hindi na nya maibalik yung love na dati antagal mong hinangad na dumating sayo.

"He who breaks a resolution is a weakling, He who makes one is a fool. -F.M. Knowles"

Lapit na din pala ng new year. Parang kailan lang, nagpalipas ako ng bagong taon sa bahay ng kaibigan ko. Ngayon magpapalipas na naman ako ng taon sa bahay ng iba. Daming nangyari sa taon na toh. Once, nagkakwentuhan kami nung isa kong kaibigan sa trabaho. Tinanong nya ako, "Pare, pano kung lahat ng bagay. Lahat ng nangyari in a certain part of your life eh hindi pala totoo? Lahat pala yun eh panaginip lang? Then one time magising ka, anong gagawin mo?" Inisip ko pano kung panaginip lang tong buong taon na to. Siguro kahit sumakit pa ang likod at batok ko sa kakahiga, pipilitin ko pa rin na balikan ang panaginip na yun. Maglalagay ako ng dream catcher sa ibabaw ng kama ko. Mahirap tanggapin na lahat ng nangyari na toh, lahat ng nakilala, lahat ng ligaya at lungkot na naranasan ko eh pawang katha lang ng isip ko. Hanggang ngayon siguro di pa rin ganun kasapat yung lakas ng loob na naiipon ko.

Kung pababalikin ako sa oras, babalik ako para tignan lang yung dating ako. Yung panahong wala pa akong tigyawat. Pero di ako babalik dun para baguhin yung mga nangyari. Hanggang ngayon di ko pa rin maisink-in sa utak ko yung salitang regrets. Minsan may nagsabi sakin tungkol sa destiny. Kung sakaling magbago man yung mga pangyayari. Makikilala at makikilala mo pa rin yung soulmate mo. Yung tipong, lahat ng taong nakilala ko, makikilala ko din sa ibang pagkakataon at ibang panahon. Kung sakaling ganun, di pa rin ako papayag na mairearrange lahat ng nangyari sakin. Gusto ko nang nakilala ko siya ng ganun..

Puto Bumbong

Bakit kaya simbang gabi ang tawag sa simbang gabi? Eh madaling araw naman yun.

Sabi nila, pag nakumpleto mo daw yung syam na misa ng simbang gabi ng di nakakatulog, matutupad daw yung wish mo. Kahit ano pa daw yun. Kaso, hindi ako yung tao na tipong nagsisimba linggo linggo. Ang paniniwala ko kasi, as long as naniniwala ka sa kanya at nagpapasalamat ka sa pangaraw-araw ay sapat na. Minsan kasi di ko rin gusto ang ambiance sa simbahan. Di naman kasi lahat ng nagsisimba eh holy. Naaalala ko nga nung huling simba ko eh sakto misa para sa patay. Minsan na nga lang akong magsimba madami pang nagiiyakan.

Nagsimbang gabi ako nung nakaraang taon. Ang problema di ko na naman nakumpleto. Napasarap kasi yung tulog ko nung ika-7 gabi na. Tatamarin na sana ako sa ika-8 kaso tinuloy ko na rin hanggang umabot ng pasko. Maganda ang paligid pag simbang gabi. Madaming nagbebenta ng puto bumbong, bibingka, suman, tas marami ding Christmas lights. Madalas meron ding mga nanle-laser sa mukha na parang myembro ng special task force para sa misa de gallo. Madalas din marami kang makikitang magsyota na ginagawang meeting place ang simbahan tuwing madaling araw. Masarap ding nadadampian ng hamog ng umaga paglabas mo ng bahay. At pag simbang gabi, napapadalas yung pag-gamit ko sa tinatago kong jacket. Pakiramdam ko tuloy lagi akong japorms.

Pag nagsisimbang gabi ako, madalas nagaabang din ako ng mga magagandang babae. Ang problema, yung mga tipo ko eh yung mga tipong laging may kasamang magulang pag nagsisimba. Di ko tuloy matabihan pag kakanta na ng ”Ama Namin.”

Sa ngayon di ko alam kung makukumpleto ko ba yung simbang gabi. Para kasing wala na akong iba pang wish. Parang pag nagwish pa ako sobra-sobra na. Napaaga lang siguro yung dating nung mga hiling ko na di ko naman talaga hiniling. Magsisimba na lang siguro ako para magpasalamat sa lahat at para matutukan ng laser sa mukha..

Stay

nawawala flash disk ko!!

hindi mo kasi iniingatan

hindi naman, mahalaga nga yun sakin eh..

kung mahalaga yun sayo, sana hindi mo hinayaang mawala

may pagkakataon lang talaga na kahit gaano kahalaga sayo yung isang bagay darating yung time na mawawala pa rin yun sayo..

hindi rin, kung mahalaga talaga sayo yun, iingatan mo yun at hindi mo hahayaang mawala sya sa tabi mo.

minsan, mas pinipili ng isang tao na umalis hindi dahil sa gusto lang nila. alam kasi nila na kung mag-stay pa sila, lalo lang magiging komplikado yung sitwasyon. hindi naman kasi yun ganun kadali lalo na kung di yun naiintindahan ng mga tao sa paligid mo lalo na yung taong iiwan mo.

sino ba naman kasi nagsabi sayo na umalis ka? bakit di mo subukang mag-stay na lang muna. baka masyado ka lang maraming iniisip kaya ka nagkakaganyan.

MSN Onion Icon“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”- Bob Ong

MSN Onion Emoticonskung pakakawalan mo agad yung bagay na yun, parang sinabi mo na din na magpapaiwan ka na agad sa kasiyahan mo. ayos lang kahit mag-stay ako. ang mahalaga sakin, nakapiling ko yung kasiyahan na yun kahit sa maiksing panahon na binigay sakin.

Onion Iconstanong, siya ba masaya sa piling mo? mag-stay ka pa rin ba kahit na pinaparamdam nya sayo na umalis ka na? kung alam mong iiwan ka din pala nung kasiyahan na yun, bakit patatagalin mo pa? lalo mo lang pahihirapan yung sarili mo na mag-let go pag nataon.

MSN Onion Emoticonspano mo naman nasabi na hindi sya masaya sa piling ko? ang mahalaga sakin ngayon eh mag-stay lang ako sa tabi nya. gusto ko syang bantayan para kahit pano malaman nya na mahalaga sya sakin, poprotektahan ko sya at di ko kayang mawala sya..

hmm..

...

nasan na ba kasi yung flash disk ko?!!

aba ewan ko sayo!

hmm, ang alam ko nasa computer mo lang yun eh..

waa! eh puro virus yun ah!!

hehe..

Onion Emoticon Setanak ka ng tokwa!

3 Wheels

bike!

oh anong meron sa bike?

uhm..

ang love parang pagba-bike, sa simula gusto mong matuto.. para maranasan mo kung ano yung sayang dala nito sa tuwing sasakay ka. kahit masaktan ka minsan o kahit madalas pa yan, di ka titigil hanggang di mo nakukuha yung tamang paraan para magbike..

kaso.. minsan, pag may nakita kang na mas higit sa bike, kinakalimutan mo yung paghihirap na naranasan mo para lang matuto ka.. parang biglang wala na lang? parang ganun..

uhm, di naman ibig sabihin na tinatabi mo yung bike eh kinakalimutan mo yun diba?

uhm..

pwede ding inaalagaan mo kasi yun, ayaw mong masira yun kakagamit mo.. o kaya naman naghahanap ka ng mas magandang kalsada para mas maenjoy mo yung pagsakay..

eh pano mo maaapreciate yun kung di mo naman sasakyan? kung matibay yang bike mo, kahit saang kalsada mo yan ilagay, di yan masisira!

kahit na, mas maganda pa rin kung aalagaan ko..

oo na, sabihin na nating inaalagaan mo. kaso darating pa rin yung pagkakataon na kahit sa magandang daan mo pa yan i-pedal, may mga lubak ka pa rin na madadaanan.

magiingat ako! di ako magpepedal ng masyadong mabilis. ayokong dumating sa point na maaksidente ako. pag dumating yun, di lang yung bike yung masisira.. masasaktan din ako

kahit magingat ka, di mo pa rin maiiwasan yun.

maiiwasan!

hindi nga!

teka! marunong ka bang mag-bike?

tatlo gulong..

amf!

turuan mo ako?

hehe, sige ba..

sige, bukas!

uhm.. sige, tulog na muna tayo..

ahm, sige.. tulog na tayo

nyts

ingats